Kapag nasabihan ka...

wag ka ng umangal pa.
masasaktan ka lang eh.
huwag mo nang ipagpilitan pa, hindi ka rin naman mananalo.
lalo na sa tao'ng yan na hindi rin magawang patalo, parehas lang kayo'ng magsasayangan ng laway.

mabuti pa't iyo na lang pakinggan!

Monday, May 17, 2010

Hueyb Eyteen

minsan mainit, minsan malamig ano nga ba ang nais ipahiwatig sa atin ng mundo'ng atat na atat ng magbago? Subukan mo kaya'ng maghintay??



Eto ang mga kasama ko sa pagtt-training ko sa call center kong pinapasukan. 

Wala naman masiyado. Makulet din sila, masaya ako sa napili ko'ng pasukin kahit na palagiang puyat at duguan sa kaiingles. 

Ipagpaumanhin ninyo kung hindi man ako masiyado makapag-post sa ngayon ng mga matitinong blog (meron ba?) sa kadahilanang ako'y medyo busy na.

May nagbabasa ba nito?

Monday, May 3, 2010

STRIKE!!!

Ang INIT!


Kakaasar.

Buwisit ang mga jeepney na yan!!


















Ito ang naging problema ko ngayon'g araw na ito.

Ang mga jeepney driver na nag-strike dito sa may parte namin sa Cabuyao.

"I have to cut trips. THREE TIMES..." yan ang naging sagot ko sa TeleTech nung tinanong ako kung bakit ako na-late. Pirmahan pa man din yun ng kontrata ko for employment. Buti na lang mabait si Maam Sarah at hindi na ako dinakdakan pa. Si Maam Sarah ay isa sa mga HR Staff sa TeleTech maganda. Magaling magsalita. Mabait.
Hindi mo nga mapapansin yung kapansanan niya dahil binawi niyang lahat ng kakulangan niya sa kagandahan pa lang. Hindi pa siya niyan nag-sasalita at kung makinig mo, naku, laglag ang kung anu man ang malalaglag sa iyo. Sa akin, 'yung bag ko, nagulat ako noong tinawag niya ako eh. Napawi niya ang bagot at asar ko sa sinasabi ko'ng strike ng jeep. 

Biruin mo, mula dito sa Banay-Banay, nag-tricycle ako papuntang Cabuyao. 15. Mahal. Kung sa jeep, hanggang Robinson's Place na 'yun. Pero hindi eh. Buwisit talaga!
'Pag dating ko ng Cabuyao, antagal ko'ng naghintay ng tricycle ulet na masasakyan.
Punuan.
Siksikan.
Hindi makasingit kahit na ang bag ko.
"Boss, Complex?"
Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko.
Habal-habal pala.
Pinatulan ko na kesa naman sa ako'y ma-late pa.
Hindi ako matahimik sa sinakyan ko. Animo'y anumang oras ay may hihila sa akin at ihuhulog ako. Dalawa kaming sakay ng nasabing motor. Hindi ko naman mayakap sa bewang para humawak, nang maiwasan ko ang mabalian ng vertebrae. Lalaki kasi si Bossing eh. Dyahe.

Complex.
Sa wakas may jeep na. Taguan pa ang drama ng mga jeepney driver doon at iniiwasan na makita ng mga kapwa drayber. Baka daw isumbong. Tae mo, malutong!
Kung alam ko lang, sinasamantala lang niya kasi wala'ng masyadong kakompentensya ngayon.

Hindi ko rin maintindihan ang konsepto ng mga rally na yan.
Ano ba ang napapala nila sa kasisigaw at kakapukpok sa mga railings ng daan?
Tumitigas ba ang ice cap sa North Pole sa bawat salitang kanilang buong lakas na pinagsisigawan?
Nadadagdagan ba ang allowance ng mga estudyante sa mga kalampagan ng kaldero at sandok na kanilang pinaghahampasan?
Tumatangos ba ang iyong ilong sa bawat hakbang at takbon'g iyong pilit na tinatahak?

Meron akon'g nabasa mula sa "PAGSIBOL". Ito yung literary book ng mga estudyante sa pinag-aralan ko'ng unibersidad.
Hindi ko na madyadong maalala ang eksakto'ng nakasaad.
"...kung ako sa kanila uuwi na lang ako at magtatanim ng lettuce, carrots at ampalaya. Sisingitan ko pa ng marijuana sa pagitan. Ang punto ko, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapaunlad ang sarili at hindi umasa sa kung anuman ang isubo sa akin ng gobyerno..."
Tamaaa! Sabi nga ni Kris Aquino.

'Yung mga tao'ng naabala dahil sa pagrarally-rally'ng yan kadalasa'y mga working individuals. Ang oras na inabala mo sa kanila ay sapat na oras na upang makumpleto nila ang assigned work nila, makipag-meet sa clients, tapusin ang naudlot na pagpa-process, pumirma ng documents na kagabi pa hinihintay ng customer, mamalengke ng ipang-babaon ng anak kinabukasan at, wag na tayon'g lumayo pa, simple lang upang MAKAPAGTRABAHO ng maayos. Natapos na sana nila, nakadagdag na sana yung mga kikitain nila sa araw na yun sa kaban ng bayan. Pero hindi, ayun kayo at tumitingala, pawis na pawis, banat ang litid sa leeg para saan? Sa wala.


Sa tingin niyo ba pakikinggan kayo ng mga ulupong na yan?
Kung talaga'ng pakikinggan nila kayo, hindi niyo na kailangang mag-welga pa! May tainga kasi sila.
Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang mga taong nagsasagawa nito, ang sa akin lang, konsiderasyon na lang din sa mga taon'g naaabala ninyo.


"..wala lang!"

Search Amazon.com for Pinoy Comedy

Friday, April 30, 2010

k a b E

" 'TAE. . . .'

Napalingon ang tatlo sa kaibigan na noon lang nagsalita.

'Yun ang tawag sa akin nina Topak (mga Pulis) sa Headquarters.' "
-Quoted from MACARTHUR by Bob Ong
 Published by VISPRINT, Inc (c) 2007

Merong Matigas

Mahirap ilabas.
         May sakit ng bahagya.
                  Nakakapawis! Nakakapanganga!

Ito ang madalas na uri ng nilalabas ng mga kumakain ng hindi nginunguya. Animo'y sawa kung lumamon, wala ng ngata-ngata pa, diretso agad sa tiyang nagngangalit na ngunit hindi mo alam kung bakit. Kung sa ibinabagsak mo ba'ng buo-buon'g kanin'g bahaw at kamatis o dahil sa 'yun at 'yun na lang natutunaw niya. Wala na bang iba? 

O kaya'y langaw, marahil siguro sa wala silang mga ngipin kaya nilululon na lang ang mga butil ng basura at duming kaniyang nadadapuan.
Subo. Lunok. Tubig -- pampadulas. Subo. Lunok ulit. 
Wala ng nguya-nguya pa para hindi kaagad magutom. Bahala na si Batman kung magkabara-bara man sa bituka o kung mamalas-malasi'y mismong sa bukana ng lagusan patungo sa dako pa roon. Tinamaan ka ng lintik!

Maihahalintulad mo ito sa mga tao'ng kahit walang pinag-arala'y may matindi at matibay na paninindigan sa bulag at nagmamaang-maangan'g katotohanan. Akala mo'y si Bonifaciong ipinaglalaban ang kalayaan, yun nga lang hindi naman talaga nila alam kung sino o ano ba ang tama at mali bunsod ng kamang-mangan at kakulangan sa sapat na edukasyon. Taman'g dakdak at basag-ulo lang. Ang hirap pakitunguhan. Ang hirap ilabas. 

Parang pinupunit ang likuran, at kung may lumabas man daig pa nito ang sa mga ibon'g nagbabahay sa kisame ng mga simbahan. Huwag ka, blessing daw yun. Kaya kung mangyari man ito sa'yo. Huwag kang sakim! Share your blessings. Ipahid mo sa katabi mo.


Merong Malambot

Umpgh!
        Success!!

Isang kanyud mo lang, ayun na! Ayos na!
Lagitikan. Animo'y may nagpiprito ng fried chicken sa kapit-bahay. Kapit-bahay ba ang CR? 
Fried chicken ba ang . . . Uy! FRIED CHICKEN nga!

Ordinaryo.
Normal.
Ayos lang.
Wala lang.

Hindi mahirap ilabas, di kagaya nung nauna.
Madali lang. 3-5 minutes lang ang inilalagi ng mga may-ari nito sa trono. Hindi na kailangan'g maghahawak-hawak pa sa pader ng banyo, pero kung feel mo... bakit hindi?

May iban'g kumakanta-kanta at sumisipol-sipol pa.
"I want nobody, nobody but you. . .
I want nobody, nobody but. . . ugh. . . (plok!)
YOU!" 
Puwede pa palan'g gawing beat ng kanta e no? Paran'g DJ ka na, may kamot din.


Meron naman'g iba na sa sobrang lambot akala mo'y hangin lang pero kapag ibinuga mo na, ayun, may napasama pala ng pakupit. 'Yung iba nahiya pa at nagsibalikan. Sa susunod na lang daw. Ikaw naman, butil-butil na ang pawis sa kahihiyan dahil may tumunog at umalingasaw, gabi pa man din. Lilinga-linga ka pa. Maghahanap pa ng makakasalba, e, nag-iisa ka lang diyang nakaupo sa tabi ng drayber, wala pa siya at nagtatawag ng pasahero'ng makiki-share sa hangin'g ineenjoy ngayon ng mga kawawang pasaheron'g nakaupo sa likuran.

Kung ako sa'yo, bababa na lang ako't mag-aastan'g may nakalimutang bilhin sa botika. Pampers.


Merong Tuwid
Merong Kulot

Akala mo'y buhok.
    Straight o wavy.
         Kano o Ita.
              Rebond o.... Kulot!
Paran'g clay-doh!
Nakapaglaro ka na ba ng clay-doh? Ganda no?
Galing. Enjoy ako sa paglalaro nun noong kabataan ko pa. Madalas kon'g pag-tripan si nanay. Magbibilog ako ng dilaw na clay-doh gamit ang palad ko na noo'y nangingitim pa sa alikabok na ipinandapa ko sa luksong-baka, ako kasi ang taya. Papaikutin ko iyon at irorolyo na parang noodles ng 'pageti (tawag ko sa spaghetti noong bata pa ako. Ngayon nama'y budget meal sa Jollibee). Ilalagay ko sa ibabaw ng lamesan'g amin'g kinakainan at bubuhusan ko ng tinunaw na choc-o-bot gamit ang laway ko na may bangis ang amoy dahil sa hindi pagto-tooth brush mula pagkagising. Instant scent na rin para sa akin'g obra.
Iiwanan ko iyon at hihintayin ang pagdating ng pobre ko'ng nanay mula sa kaniyang pinagdasalan'g pamilya na naulila ng anak na naaksidente dahil sa pagbibisikleta.

Hindi ko rin ma-irok ang konsepto ng mga magdadasal na kagaya ng ina ko. Bakit kailangang sila pa?
Tinatahak ang daan patungo sa bahay namin upang magpa-reserve ng slot sa nanay ko'ng box-office sa mga ganiyang gawain. Tapos maghihintay pa sila sa ina ko'ng, dahil na rin sa haba ng buhok, ay milenyo ang inaabot sa pagligo at dekada naman sa pagsusuklay... PA LANG! Isama mo pa diyan ang pagpapatuyo ng buhok, ng katawan, pagbibihis at walang kamatayan'g panunuklay gamit ang trident ata yun ni Poseidon. Kung ako sa kanila, 'yung inilakad ko at itinambay sa bahay ng sinusundong manda-dasal, ay sapat na oras na upang ako na mismo ang manalangin para sa kaluluwa ng aking namatay na kamag-anak at siguro'y maisisingit ko pa na sana'y mapanot ang ulo ng matandang ito. Joke. 
Ganon lang naman 'yun diba? Kung kaya mo nang abutin ang pitaka ng ama mo na nakapatong sa ibabaw ng tukador, bakit kailangan mo pa'ng tawagin ang kapatid mo na mas maliit pa sa'yo upang kunin ito at kontratahin'g hati na lang kayo sa kung magkano man ang makukulimbat ninyo. Gumamit ka na lang ng bangkito. Tamad.

"Pesteng pusa ito! Sa lamesa pa nagkalat!"
Nagpapalakpakan ang mga plema ko sa lalamunan habang humahagalpak sa katatawa dahil sa ingat na ingat na pagdakot ng dust pan ni nanay sa "kalat" ng pusa. Napeste pa.

Merong Buo

Mahaba.

Akala mo'y makina na gumagawa ng hotdog. Walang putol.
BUO.

Madalas ay may katigasan ng kaunti na kailangan upang ma-achieve ang kaniyang "perfect shape". Perfect shape? 
Dapat ba na hugis bilog o bilo-haba o baka naman ay puso-puso o hugis star na may flower-flower pa.

Meron naman'g sobrang buo, isang tumpok ang unang labas sa unang iri pa lang. Lupet!

Wala ako'ng masiyadong masabi sa topic na ito.
Lipat tayo.

Merong Durog

Nakakasuyang pagmasdan.
       Karimarimarim!
            Nakasusulasok pati ang amoy!
                 Itim. Brown.
                       Kadalasa'y manilaw-nilaw.


Pati tunog ay di rin kanais-nais. Nakakahiya kung sa mall mo ito nagawa at may tao sa katabi mong cubicle. Aakalaing may maintenance at nagmamaso ng tiles ng banyo. Dyahe!
Idagdag mo pa ang maaamoy nila kasabay ng tunog ng jackhammer mo'ng puwitan. Kulang na lang ang sticker ng MetroGuwapo at animo'y bulok na basura naman ang simoy ng hangin sa loob ng CR.

Ganito ang madalas na senaryo sa mga palikuran ng taong nakaka-experience ng ganitong panyayari sa katawan nila. Hindi maganda ang pakiramdam ng mayroon nito parang laging merong lalabas kahit wala naman.


Madako tayo sa madala na mga components nito.
Kapag ang iyong tinira ay 'yung hindi kilala ng nagsesen-sensitiban mo'ng tiyan, sure na ang kalalabsan nito.
Kadalasa'y kapag napasobra ang kain mo ng isaw-isaw, Betamax, Adidas at kung anu-ano pang healthy (para sa mga langaw) na pagkain. Maitim na parang burak ang ilalabas mo sa katawan. Nangyari na to sa akin, lintik pati ang amoy. Burak na burak. Kaaduwa. Para sa mga kumakain ngayon habang nagbabasa nito, pasensiya na. Hindi niyo ba nakita yung picture sa pinakaunang bahagi ng post na ito? Warning Sign na yun.


At Merong mga T**ng hindi Malubog-lubog

Ito yung parang si McArthur, "I shall return!".
Nakakailang flush at buhos ka na, aba'y sisilip muna, wari mo'y nakikiramdam, at kung hindi ka na nakatingin ay saka lalabas at magpapalutang-lutang sa inidoro mon'g barado na naman ata. Hindi ko alam kung ito'y isang uri nga ba ng binabanggit ko o ito'y isa lamang phenomenon sa lahi ng mga inidoro. 

Makulit. Kakainis.

Animo'y mga pulitiko'ng pabulwak-bulwak sa telebisyon at nangangampanya'ng sila'y iboto. Gumagamit pa ng pang-awa na "sila" daw ay katulad mo din kaya nararamdaman niya ang kung anuman ang iyong nararamdaman sa ngayon.
Gutom ka din? Bagaman! Andami ng iyong subdibisyon at mansiyon sa iba't ibang panig ng Pilipinas at mundo, ni tuyo hindi ka rin makakakain? Lokohin mo lelang mo'ng panot!

"...'Sino ba?' " 


The Best of Pinoy Jokes